Sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula tataas simula sa Nov. 12

Sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula tataas simula sa Nov. 12

Epektibo simula sa Linggo, Nov. 12 ay tataas ng P30 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula.

Ito ay batay sa Wage Order No. RIX-22 na inaprubahan ng National Wages and Productivity Board (NWPB).

Dahil sa dagdag sahod, ang minimum na sweldo ng mga manggagawa sa non-agricultural establishments sa rehiyon, gayundin ang mga nasa retail/service establishments na mayroong 31 pataas na empleyado ay magiging P381 na.

Habang sa mga establisyimento na ang empleyado ay nasa 10 hanggang 30 lamang, ang minimum na sahod ay magiging P368 sa Nov. 12 at P381 sa Feb. 1, 2024.

Sa agricultural sector naman at sa mga kumpanya na 9 pababa lamang ang empleyado, ang bagong minimum wage ay P368.

Tataas di ng P4,100 hanggang P4,600 ang monthly minimum wage para sa mga kasambahay sa naturang rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *