Mga bata hindi na dapat isama sa mga sementeryo ayon sa DOH
Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na huwag ng magsama ng mga bata sa pagtungo sa sementeryo para sa paggunita ng Undas.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, maaari pang makakuha ng sakit ang mga bata dahil sa sobrang dami ng tao na dumadagsa sa sementeryo kapag Nov. 1 at 2.
Dahil dito, ipinayo ni Herbosa na huwag ng isama ang mga bata lalo na kung sobrang liliit pa.
Kaugnay nito binalaan din ng DOH ang publiko sa pagbili sa mga ambulant vendors sa loob at labas ng sementeryo.
Ani Herbosa, hindi kasi tiyak kung ligtas ba ang tubig at iba pang sangkap na gagamitin sa mga ibinebentang produktong.
Para makasiguro, mas mainam ayon kay Herbosa na magbaon na lang ng sariling pagkain at inumin. (DDC)