Road reblocking isasagawa ng DPWH
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa mga sumusunod na kalsada simula alas-11:00 ng gabi ng October 31 hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng November 6:
1. C-5 Road (SB), Lane 2 (Fronting Shell), Pasig City
2. EDSA (SB), Annapolis hanggang Connecticut (Intermittent, Outer Lane), San Juan City
3. EDSA (SB), After Malibay Bridge (Outer Lane), Pasay City
4. EDSA (NB), Between G. De Jesus St. hanggang Gen. Tirona St., Caloocan City
5. Rizal Ave. Exit. (NB), Between 11th Ave. at Bustamante St. (1st lane), Caloocan City
Ang mga apektadong kalsada ay madaraanan sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw ng November 6.
Pinapaalalahanan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. (Bhelle Gamboa)