Mahigit 1,000 “flying voters” sa Barangay 97 sa Pasay inisyuhan ng warrant of arrest

Mahigit 1,000 “flying voters” sa Barangay 97 sa Pasay inisyuhan ng warrant of arrest

Nagpalabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa mahigit 1,000 flying voters sa Barangay 97 sa Pasay City.

Ipinakita ni Christian Barcenas, Comelec Poll watcher sa Brgy. 97 at isa rin witness sa korte para sa criminal charges na isinampa sa mga flying voters, ang dokumento ng warrant of arrest na inisyu ng Pasay RTC Branches 114, 115, at 117.

Aniya natukoy na pawang mga residente sa Grace Park, palibot ng sementeryo sa Brgy. 120 sa Caloocan City ang mga flying voters.

Idinugtong pa ni Barcenas na isang “alyas Manny” sa Caloocan ang contact person at recruiter ng mga sinasabing flying voters at ginamit na address sa lungsod ng Pasay ang area sa hagdanan ng LRT.

Paglilinaw ni Barcenas maaaring bumoto sa kanilang polling precinct ang mga natukoy na flying voters subalit agad silang aarestuhin pagkatapos bumoto sa bisa ng citizen arrest kung walang mga pulis.

Nakasaad sa dokumento na may P50,000 na nakalaang piyansa sa bawat indibiduwal na mahuhuling flying voters na inisyuhan ng warrant. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *