923 PDLs sa Bilibid nakaboto sa BSKE

923 PDLs sa Bilibid nakaboto sa BSKE

Umabot sa 923 na persons deprived of liberty (PDLS) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang naisakatuparan ang kanilang karapatang bumoto bilang pakikilahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong October 30.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga kuwalipikadong botanteng PDLs ay nagmula sa maximum security compound, medium security compound, at minimum security compound sa NBP.

Sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte mayroong pinakamaraming kuwalipikadong botanteng PDLs na umabot sa 983.

Bukod rito nasa 333 PDL voters naman ang nagmula sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte.

Habang nasa 47 na botanteng PDLs ang nasa talaan ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Inaasahan ang paglahok sa BSKE ng kabuuang 2,293 na kuwalapikadong PDLs mula sa iba’t ibang pasilidad na kulungan na nasa ilalim ng BuCor.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, unang pagkakataon ito na nakaboto sa local elections ang mga PDL.

Ginagawa aniya ang PDL voting sa national elections gaya na lamang noong 2022 elections kung saan nakaboto sila ng presidente, bise presidente at senador. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *