MTRCB hindi totoong may ipinatawag na celebrity na lumabas sa commercial ng isang fast food chain

MTRCB hindi totoong may ipinatawag na celebrity na lumabas sa commercial ng isang fast food chain

Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television Commercial ng isang Fast-food chain.

Ang mga paratang na ito ayon sa MTRCB ay may hindi magandang hangarin at walang katotohanan.

Sa panahon ng digital age, sinabi ng board na mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipalaganap.

Ayon sa MTRCB, ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.

Tiniyak ng board na suportado nito ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at ang Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *