Sitwasyon sa Abra, kontrolado ng COMELEC

Sitwasyon sa Abra, kontrolado ng COMELEC

Nagtungo sa Bangued, Abra si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia.

Ayon kay Garcia nagdaos ng situation briefing sa Bangued kasama ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dumalo din sa situation briefing si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at ang ilang commissioner ng COMELEC.

Tiniyak ni Garcia na kontrolado ng COMELEC ang sitwasyon sa Abra at sa iba panig ng bansa para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Una ng nakapagtala ng election related incident sa Abra kung saan isang kandidato sa pagka-kagawad ang binaril at pinatay.

Maliban dito, sinabi ng COMELEC na umabot sa 122 na kandidato sa BSKE sa Abra ang umatras sa kanilang kandidatura. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *