949 pang PDLs pinalaya ng BuCor

949 pang PDLs pinalaya ng BuCor

Nasa 949 pang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang pangunahing kulungang pasilidad sa bansa ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong October 27.

Kabilang sa mga lumaya ang 90 PDLs mula sa Correctional Institution for Women; Davao Prison and Penal Farm – 177; Iwahig Prison and Penal Farm – 23; Leyte Regional Prison – 69; New Bilibid Prison (NBP) – 486 ( Maximum Security Compound – 234, Medium Security Compound – 186, NBP Minimum Compound – 52 at NBP RDC – 12); Philippine Military Academy – 2; Sablayan Prison and Penal Farm – 33; at San Ramon Prison and Penal Farm – 71.

Sa naturang bilang nasa 556 anv lumaya dahil sa pagtatapos ng kanilang hatol, 213 ang napawalang sala sa mga kaso laban sa kanila, 129 namna ang nabigyan ng parole, at 29 ang nabigyan ng probation habang dalawa ang pinalaya sa pamamagitan ng cash bond.

Aabot na sa kabuuang 6,322 na PDLs ang napalaya ng BuCor sa ilalim ng administrasyon ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

 

Pinapabilisan ni Catapang ang pagpapalaya ng mga kuwalipikadong PDLs bilang bahagi sa itinataguyod niyang reporma sa BuCor.

Ang aktibidad ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng ahensiya sa National Correctional Consciousness Week na dinaluhan nina Justice Secretary Crispin Remulla, Justice Undersecretary Deo Marco, Justice Assistant Secretaries Francis John Tejano and Jose Dominic Clavano, Atty. Persida Rueda-Acosta, chief of the Public Attorney’s Office, Atty. Bienvenido O. Benitez Jr. , OIC Administrator of the Parole and Probation Administration, Atty. Sergio Calizo, Jr., chairman, Board of Pardons and Parole, Atty. Sarah Buena S. Mirasol, Regional Director, DOLE-NCR at iba pang opisyal ng BuCor sa pangunguna ni BuCor-OIC Gil Torralba.

“Correction system is the window of the soul of the country” so dapat maraming pagbabago ang magawa natin dahil hindi magiging epektibo ang correction system pag congested ang ating mga kulangan,” ani Sec. Remulla.

Aniya pinabibilisan na ang release ng PDLs kung natapos na nila ang kanilang maximum na sentensiya at ang puwersa ng pulisya at prosecutors ang nagtutulungan upang resolbahin ang isyu ng mga naakusahang makulong ng sobrang tagal na lampas sa kanilang hatol.

“Gusto natin na mapalaya sila agad kung nakapag bayad na sila sa lipunan,” sabi ni Remulla.

“ Dalin nyo yung mabubuting aral na natutunan nyo sa loob ng piitan at yung mapait na naranasan nyo ay iwan nyo sa loob,” sabi ni Torralba sa PDLs.

Ibinunyag din nito na ang BuCor sa ilalim ng gabay ni DG Catapang na naglunsad ng Integrity Monitoring and Enforcement Unit (IMEU) kung saan ang mga empleyado ng BuCor na magreport ng mga ilegal na aktibidad ng kanilang katrabaho at PDLs na lumaya mula sa kulungan sa pamamagitan ng text o tawag laban sa mga tiwaling corrections officers.

Panawagan ni Torralba sa mga lumayang PDLs na iulat ang kanilang masasama o mabubuting karanasan sa mga corrections officers at siniguro niyang itatratong confidential ang kanilang mga report.

“This is one way that we can improve our services and reward our officers who do good and at the same time get rid of undesirables within our ranks,” pahayag pa ni Torralba. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *