WFH arrangements sa gobyerno at asynchronous classes sa public schools sa Oct. 31 pinayagan ng Malakanyang
Nagpalabas ng memorandum ang Office of the President (OP) kung saan pinapayagan ang pagpapatupad ng work from home arrangement sa government employees at asynchronous classes sa public schools sa Martes, October 31.
Sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na gunitain ang All Saints’ Day sa November 1, at upang sila ay makabiyahe pauwi sa mga lalawigan.
Pinayagan din ang pagpapatupad ng asynchronous classes sa public schools sa nasabing petsa.
Pero ayon kay Bersamin, hindi sakop ng kautusan ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa delivery ng basic and health services, preparedness/ response sa disasters at calamities, at iba pang vital services.
Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya ang pagpapatupad ng kaparehong polisiya. (DDC)