“Maging Mapanuri” Facebook page inilunsad ng pamahalaan para labanan ang fake news

“Maging Mapanuri” Facebook page inilunsad ng pamahalaan para labanan ang fake news

Dahil sa lumalaganap na misinformation at disinformation lalo na sa social media, inilunsad ng pamahalaan ang “Maging Mapanuri” campaign.

Pinangunahan ng Presidential Communications Office (PCO) ang isang conference sa Makati City na layong palakasin ang pagsugpo ng Misinformation, Disinformation at Fake News.

Sa pamamagitan ng Media and Information Literacy (MIL) Maging Mapanuri conference, binigyang diin ang kahalagahan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor tulad ng media, edukasyon, tech industry, civil society at ng mga ahensya ng pamahalaan.

Nanawagan si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy E. Velicaria-Garafil sa sama-samang aksyon sa pagbuo ng isang lipunan na “informed, mindful,” at “digitally responsible.”

Binigyang-diin ni Garafil na layunin ng pagtitipon na dalhin sa komunidad ang Media and Information Literacy sa pamamagitan ng pag-uugnay sa akademya, pribadong sektor, at pamahalaan.

Aniya, ang pagbibigay-kakayahan sa bawat indibidwal na protektahan ang sarili mula sa maling impormasyon ay responsibilidad ng lahat.

Kaugnay nito ay hinikayat ng PCO ang publiko na i-like, follow at i-share ang mga official social media accounts ng “Maging Mapanuri” sa Facebook, Instagram at Twitter. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *