Nov. 3 hindi rin idedeklarang holiday ng Malakanyang; kumakalat na memorandum na nagsasabing idedeklara itong half-day, “fake news” – Bersamin
Hindi idedeklarang holiday ng Malakanyang ang Nov. 3, 2023 ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sagot ito ni Bersamin ng tanungin kung idedeklara bang holiday ang nasabing petsa na araw ng Biyernes at kadugtong ng Nov. 1 at 2 na parehong holiday.
Sinabi din ni Bersamin na “fake news” ang kumakalat na memorandum na nagsasabing idedeklarang half day ang Nov. 3 para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at sa mga klase sa mga pampublikong paaralan.
Una ng sinabi ng Malakanyang na hindi idedeklarang holiday ang Oct. 31, 2023. (DDC)