Pagbuo ng coordinating council para mangasiwa sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act inaprubahan ni Pang. Marcos

Pagbuo ng coordinating council para mangasiwa sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act inaprubahan ni Pang. Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Department of Health (DOH) na magtatag ng coordinating council para sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act.

Inanunsyo ito ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Herbosa, ang bubuuing council ang magsisilbing national governance body na mangangasiwa sa implementasyon ng Universal Health Care Act sa buong bansa.

Magsisilbi din aniyang venue ang council para matalakay ang mga concern o problema na maaaring maranasan sa pagpapatupad ng UHC.

Ang DOH ang magsisilbing council chair habang ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang co-chair.

Ayon kay Herbosa bubuuin ang council ng mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Information and Communications Technology (DICT); Department of Budget and Management (DBM); Department of Finance (DOF), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Professional Regulation Commission (PRC), National Economic and Development Authority (NEDA) kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *