Seguridad sa official COMELEC ballots para sa BSKE sa Las Piñas siniguro

Seguridad sa official COMELEC ballots para sa BSKE sa Las Piñas siniguro

Sa nalalapit na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ang Commission on Elections (COMELEC) ay patuloy na sumisiguro sa maayos na proseso ng halalan kabilang na ang paghahatid ng mga opisyal na balota sa Las Piñas City.

Ang pagdating ng cargo na may dalang mahahalagang matiryales sa pagboto o voting materials ay nagmarka sa importanteng hakbang ng lungsod sa paghahanda ng nalalapit na lokal na eleksiyon.

Personal na tinutukan ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas kasama ang mga kinatawan ng COMELEC ang mabusising pagbababa ng voting materials lalo na ang mga balota at siniguro na ligtas at may integridad ang mga ito hanggang sa itinakdang storage.

Ang maingat at may seguridad na pamamahala sa mga balota ay mahalaga sa paglikha ng tiwala ng publiko at tumitiyak ng kredibilidad sa nalalapit na eleksiyon.

Ang koordinadong mga hakbang sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng COMELEC sa pamamahala sa delivery ng mga balota ay nagpapakita ng magkabahaging dedikasyon tungo sa pagtataguyod ng malinis at patas na halalan sa lungsod.

Sa pagdating ng mga opisyal na balota sa lungsod, ang Las Pinas ay nakahakbang ng mas malapit sa pagsasagawa ng 2023 BSKE tungo sa daan ng paglahok at demokrasyang panlokal. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *