Sa paggunita ng World Polio Day, DOH hinimok ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng kanilang anak

Sa paggunita ng World Polio Day, DOH hinimok ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng kanilang anak

Sa paggunita ng World Polio Day hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng kanilang anak laban sa polio.

Ayon sa DOH, ang Oral Polio Vaccine o OPV ay nagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa nasabing sakit.

Mayroon ding ibinibigay na Inactivated Polio Vaccine o IPV.

Ang una hanggang ikatlong dose ng OPV ay ibinibigay sa mga sanggol sa pagitan ng kanilang isang buwan hanggang ikatlong buwan.

Habang ang dalawang doses ng IPV naman ay ibinibigay sa mga sanggol na nasa 3 buwan hanggang 9 na buwan.

Maaring magtungo sa pinakamalapit na health center para sa pagpapabakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *