MMDA magtatalaga ng mahigit 200 tauhan para sa idaraos na Grand Heroes’ Welcome sa 19th Asian Games Medalists

MMDA magtatalaga ng mahigit 200 tauhan para sa idaraos na Grand Heroes’ Welcome sa 19th Asian Games Medalists

Magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhan para sa idaraos na grand heroes’ welcome sa mga atletang nagkamit ng medalya sa nagdaang 19th Asian Games na idinaos sa China.

Ayon sa MMDA, kabilang ang kanilang ahensya sa naatasan ng Presidential Communications Office (PCO) para tumulong sa idaraos na aktibidad.

Magtatalaga ang MMDA ng mahigit 200 para magmando sa daloy ng traffic at umasiste sa emergency response.

Gaganapin ang grand heroes’ welcome para sa 19th Asian Games Medalists sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila araw ng Miyerkules, October 25.

Dadalo sa nasabing pagtitipon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bibigyang pagkilala ang mga atletang Pinoy na nagtagumpay sa 19th Asian Games na idinaos sa Hangzhou, China.

Ang Pilipinas ay nag-uwi ng apat na gold medals, dalawang silver medals, at labingdalawang bronze medals mula sa nasabing palaro. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *