BuCor nagdiriwang ng ika-29 National Correctional Consciousness Week, PDLs bumida

BuCor nagdiriwang ng ika-29 National Correctional Consciousness Week, PDLs bumida

Masayang ipinagdiriwang ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng pamumuno ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang 29th National Correctional Consciousness Week (NCCW) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ngayong October 23 at magtatapos sa October 29.

Iba’t ibang mga pagtatanghal ang ipinamalas ng mga persons deprived of liberties (PDLs) mula sa maximum security compound, medium security compound, minimun security compound ng NBP at ng Correctional Institution for Women (CIW) upang ibida ang kanilang husay at natatanging mga talento sa pormal na pagsisimula ng naturang selebrasyon.

Naglinya ang BuCor ng mga aktibidad para sa masiglang paglahok ng PDLs kabilang ang fun run, zumba, medical mission, blood letting, gift giving, feeding program, legal at paralegal services.

Ang pagdiriwang ng NCCW ay alinsunod sa Proclamation 551 na idineklara ni dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang pagbibigay halaga sa mga karapatan ng PDLs.

Pormal din binuksan ang isang bazaar na nagtatampok sa mga produkto at obra na sariling gawa ng mga PDL.

Sa darating na Biyernes inaasahang magpapalaya ang BuCor ng PDLs mula sa Bilibid at iba pang prison and penal farm sa bansa dahil natapos na ang kanilang hatol sa loob ng piitan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *