Dating Pangulong Duterte sinampahan ng reklamong grave threat ni Rep. France Castro
Sinampahan ng reklamong grave threat ni House Deputy Minority Leader France Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang reklamo ay inihain ni Castro sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Castro, ang pagbusisi niya sa confidential funds ay nakatanggap siya ng pagbabanta sa buhay.
Sa isang panayam ay pinagbantaan ni Duterte si Castro na tinawag niyang komunista.
Ginawa ng dating pangulo ang pagbabanta kasabay ng pagdepensa sa P650 million confidential funds na dapat ay nakalaan sa Office of the Vice President at P150 million na dapat ay nakalaan sa Department of Education (DepEd) na kapwa pinamumunuan ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte. (DDC)