Pamamahagi ng cash aid ng DSWD sa mga rice retailers, tinapos na
Umabot na sa mahigit 26,000 na micro rice retailers at sari-sari store ang tumanggap ng benepisyo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nito.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tinapos na ng ahensya ang pamamahagi ng nasabing tulong na pinakinabangan ng 26,266 micro-retailers at sari-sari store owners na naapektuhan ng pagpapatulad ng EO No. 39 na nagtakda ng price cap sa bigas.
Kabuuang P393.9 million na cash aid ang naipamahagi ng ahensya.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga kwalipikadong sari-sari store owners at micro-rice retailers ay tumanggap ng cash subsidy na P15,000 each.
Ayon sa DSWD umabot sa 35,302 micro-rice retailers at sari-sari store owners ang unang natukoy na kwalipikado sa programa.
Gayunman, 8,873 sa kanila ang hindi nag-claim ng cash aid habang 163 ang na-disqualify. (DDC)