Canada kinondena ang panibagong hakbang ng China sa West PH Sea
Kinondena din ng Canada ang ginawa ng mga barko ng China sa West Philippine Sea habang ang mga barko ng Pilipinas ay nagsasagawa ng routine operations sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Sa pahayag na inilabas ng embahada ng Canada sa Pilipinas, tnawag nitong “unlawful and dangerous” ang ginawa ng barko ng Chinese Coast Guard at ng maritime militia vessel.
Ayon sa Canada, walang lawful claim ang China sa West Philippine Sea.
Sinabi ng embahada na ang mga hakbang ng China ay hindi naaayon sa UN Convention on the Law of the Sea.
Sinabi ng embahada na mabuti na lamang at walang nasaktan sa ginawang pagbangga ng barko ng China.
Pinuri din ng Canada ang propesyonalismo na ipinakita ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). (DDC)