Iba’t ibang mga bansa kinondena ang panibagong paghahamon ng China sa West Philippine Sea
Kinondena ng iba’t ibang mga bansa ang ginawang mapaghamon na hakbang ng China sa barko ng Pilipinas na maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa pahayag sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, mahigpit na kinokondena ng US ang aksyon ng China na naging dahilan para malagay sa alanganin ang buhay ng mga service crew ng barko ng Pilipinas.
Ayon naman kay German Ambassador Andreas Pfaffernoschke, labis na ikinababahala ng Germany ang komprontasyon na ginawa ng Chinese Coast Guard ships at maritime militia vessels sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Nanawagan ang ambassador sa dalawang partido na umaksyon ng naayon sa rules ng UNCLOS at respetuhin ang isinasaad ng 2016 Arbitral Award.
Samantala, sa pahayag ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, mariin nitong tinutulan pamumuwersa sa West PH Sea.
Sinabi ng ambassador na kaisa ito ng Pilipinas sa paghawak sa maritime order base sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award.
Samantala, nanawagan din si British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils sa China na tumalima sa Arbitral Award at sa UNCLOS. (DDC)