Alert Level 3 itinaas ng DFA sa Lebanon

Alert Level 3 itinaas ng DFA sa Lebanon

Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa Lebanon.

Ito ay dahil sa tumitinding tensyon sa border na dulot pa din ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Islamist group Hezbollah.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, hinihikayat ang mga Pinoy sa Lebanon na lumikas.

Una ng sinabi ni De Vega na inabisuhan ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Pinoy na sumailalim sa voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Ayon sa embahada ng Pilipinas, ang mga Pinoy na nais na mag-avail ng repatriation ay maaring mag-apply online sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/2023Repatriation . (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *