Dagdag sahod sa mga manggagawa sa Western Visayas epektibo sa Nov. 16
Tataas ang sweldo ng mga manggagawa sa Western Visayas.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), tataas ng P30 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa rehiyon simula sa Nov. 16.
Dahil dito mula sa kasalukuyang minimum na sweldo na P450 ang sahod sa non-agriculture / industrial / at commercial sector na ang empleyado ay higit sa 10 ay magiging P480.
P450 naman ang bagong minimum wage kung ang kumpanya ay mayroon lamang 10 pababang empleyado.
Mula naman sa P410 ay magiging P440 na ang bagong minimum wage sa agriculture sector.
Tataas din ang sweldo ng mga domestic worker sa rehiyon, mula sa kasalukuyang P4,500 ay magiging P5,000 na kada buwan. (DDC)