Bagong mall hours sa Metro Manila ipatutupad simula Nov. 13

Bagong mall hours sa Metro Manila ipatutupad simula Nov. 13

Magpapatupad ng adjustment ang mga mall sa kanilang operating hours simula sa Nov. 13.

Ito ay para makatulong na maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa Christmas season.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula sa Nov. 13, 2023 hanggang Jan. 8, 2024 ang mga mall sa Metro Manila ay magbubukas ng 11AM at magsasara ng 11PM.

Ayon kay MMDA acting chairperson Don Artes, magkakaroon din ng adjustment sa schedule ng mall delivery sa nasabing mga petsa.

Ayon sa MMDA, papayagan lamang ang mall delivery schedule 11PM hanggang 5AM.

Exempted naman dito ang pagde-deliver ng mga perishable goods.

Bago naman ang pagpapatupad ng mall-wide sales o iba pang promotional events, ang mga mall operators ay dapat magsumite sa MMDA ng kanilang traffic management plans dalawang linggo bago ang schedule.

Maaari lamang magsagawa ng mall-wide sales at events weekends. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *