Negros Occidental niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Negros Occidental.
Ang sentro ng pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 22 kilometers southwest ng Sipalay City, 3:36 ng madaling araw ng Biyernes, Oct. 20.
May lalim na 28 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs hindi naman magdudulot ng aftershocks ang naturang pagyanig. (DDC)