CHED magkakaloob ng educational assistance sa mga dependent ng mga Pinoy na naapektuhan ng gulo sa Israel at Gaza
Tutulungan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga dependent ng mga Pinoy na naapektuhan ng sitwasyon sa Israel at Gaza.
Ito ay bilang tugon ng CHED sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang karampatang tulong sa mga naapektuhang Pinoy.
Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera III, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMW) para makausap ang pamilya ng apat na Pinoy na nasawi.
Ito ay upang mabigyan ng educational assistance ang kanilang mga anak o kwalipikadong dependents sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) law at Tertiary Education Subsidy (TES).
Sa mga umuwing Filipino nationals naman, aalamin ng CHED ang bilang ng kanilang dependents na naka-enroll sa kolehiyo para mabigyan sila ng tulong sa pamamagitan ng CHED Regional Offices. (DDC)