Davao de Oro niyanig ng magnitude 5.9 na lindol
Tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa lalawigan ng Davao de Oro.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 35 kilometers southeast ng New Bataan, 2:58 ng madaling araw ng Biyernes, Oct. 20.
May lalim na 13 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Caraga, DAVAO ORIENTAL
– New Bataan, Maragusan, and Pantukan, DAVAO DE ORO
Intensity IV
– Nabunturan, Compostela, Monkayo, Mawab, Montevista, Laak, Mabini, and Maco, DAVAO DE ORO
Intensity III
– Davao City
– Tagum City, DAVAO DEL NORTE
Intensity I
– Bislig City and Tandag City SURIGAO DEL SUR
Nakapagtala na ang Phivolcs ng mahihinang aftershocks matapos ang nasabing pagyanig. (DDC)