Pangulong Marcos nakipagpulong sa Saudi Business Leaders
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga business leader sa Saudi Arabia.
Ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez ang mga larawan sa idinaos na round table meeting kasama ang Saudi Business Leaders.
Bahagi ito ng side lines para sa pagdalo ng pangulo sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit (Asean-GCC) sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay Romualdez, ang nasabing pulong ay magbibigay oportunidad sa Pilipinas para ilahad sa Saudi Business Community ang mga plano at programa ng Marcos administration kaugnay sa economic development at investment opportunities kabilang na ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Maliban kay Romualdez ay kasama ng pangulo sa pulong ang kaniyang economic team. (DDC)