Pang. Marcos nakaalis na patungong Saudi Arabia para dumalo sa ASEAN) – Gulf Cooperation Council Summit

Pang. Marcos nakaalis na patungong Saudi Arabia para dumalo sa ASEAN) – Gulf Cooperation Council Summit

Nakaalis na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang Philippine delegation patungo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ito ay para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni ng pangulo na kanilang tatalakayin ang mga hamon sa geopolitical developments kasama na ang socio-cultural collaborations sa ASEAN-GCC.

Magsisilbi din itong plataporma para sa bansa upang itaguyod ang kooperasyon sa enerhiya, seguridad sa pagkain, digital transformation, at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

“We will emphasize our advocacy for a rules-based international order to maintain peace, security and stability in our regions,” ayon sa pangulo.

Mayroong tinatayang 2.2 million na Pinoy sa GCC countries.

Sa Riyadh ay nakatakda ring makipagpulong ang pangulo sa Filipino community. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *