Oct. 27 idineklara ni Pope Francis bilang “day of fasting, penance and prayer for peace” para maipagdasal ang kaguluhan sa Holy Land

Oct. 27 idineklara ni Pope Francis bilang “day of fasting, penance and prayer for peace” para maipagdasal ang kaguluhan sa Holy Land

Idineklara ni Pope Francis ang petsang October 27, araw ng Biyernes bilang “day of fasting, penance and prayer for peace” upang maipagdasal ang pagkakaroon ng kapayapaan bunsod ng nagaganap na kaguluhan sa Gaza at Israel.

Hinikayat ng Santo Papa ang lahat ng Kristiyano, mga miyembro ng iba pang religious groups, at lahat ng nagnanais ng kapayapaan para sa mundo na makiisa.

Ayon kay Pope Francis, nakalulungkot ang sitwasyon ngayon sa Gaza.

Umapela din ito ng agarang hakbang para maiwasan ang humanitarian catastrophe.

Nakababahala aniya ang posibilidad na mas lumawak pa ang kaguluhan.

Sinabi ni Pope Francis na walang problemang mareresolba gamit ang giyera at armas bagkus ay magreresulta lamang ito sa pagkamatay ng marami, pagkawasak at lalong paglala ng galit.

Dahil dito, hinikayat ng Santo Papa ang bawat isa na sabay-sabay na manalangin para matapos na ang kaguluhan, matuldukan na ang giyera at hindi na madagdagan pa ang pagbubuwis ng buhay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *