Sa pormal na pagsisimula ng panahon ng kampanya, DILG tiniyak ang malinis at payapang BSKE 2023

Sa pormal na pagsisimula ng panahon ng kampanya, DILG tiniyak ang malinis at payapang BSKE 2023

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng malinis, tapat at maayos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasabay ng pormal na pag-uumpisa ng campaign period.

Sa pahayag sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos na prayoridad ng kagawaran ang matiyak ang pagkakaroon ng police visibility.

Handa aniya ang Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng dagdag na mga tauhan sa mga lugar na tinukoy ng COMELEC bilang areas of concern upang matiyak na mapapanatili ang public safety and security at maiwasan ang anumang uri ng election-related violence.

Tiniyak ni Abalos na ang DILG ay kaisa ng COMELEC at ng PNP sa pagbabantay at pagtitiyak ng mapayapang pagdaraos ng halalan, mula ngayon panahon ng kampanya hanggang sa bilangan.

Panawagan naman ni Abalos sa mga botante makipagtulungan sa pamahalaan para maprotektahan ang electoral process laban sa mga magsasagawa ng vote-buying at vote-selling. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *