Campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections umarangkada na

Campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections umarangkada na

Simula na ngayong araw ng Miyerkules (Oct. 19) ang sampung araw na campaign period para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang campaign period ay tatagal hanggang sa Oct. 28, 2023.

Sa panahon ng kampanya, pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga legal na campaign material na ilalagay sa mga Common Poster Area.

Ang listahan ng Common Poster Areas ay ibinabahagi ng Comelec sa Facebook page nito.

Ayon sa Comelec, ang ilegal na campaign materials na makikita sa pampublikong lugar at lumalabag sa mga alituntunin ay maaring isailalim sa “OPLAN BAKLAS OPERATIONS”.

HInikayat ng Comelec ang mga kandidato na Gumamit ng RECYCLABLE at ENVIRONMENT-FRIENDLY na materials sa paggawa ng election propaganda.

Pinapayagan din ang ONLINE CAMPAIGNING, basta’t nakasusunod ito sa alituntunin ng poll body.

Limang Piso (P5.00) bawat rehistradong botante sa barangay ang itinakdang limitasyon sa gastusin ng kandidato.

Paalala ng Comelec, ang pamimigay, pag-aalok, o pangangako ng pera o anumang bagay na may halaga, paggastos o pag-aalok ng paggastos, direkta man o hindi, para sa sinumang tao para hikayatin ang sinuman na bumoto para o laban sa isang kandidato, ay lumalabag sa batas at maituturing na Election Offense na Vote-Buying. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *