Unang batch ng mga Pinoy mula Israel nakauwi na ng bansa

Unang batch ng mga Pinoy mula Israel nakauwi na ng bansa

Dumating sa bansa ang unang batch ng mga Pinoy na inilikas mula sa Israel.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kinabibilangan sila ng 16 na Pinoy na karamihan ay pawang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.

Kasama din sa mga dumating sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang sanggol.

Sinalubong sila ng mga opisyal mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at si Senator Raffy Tulfo.

Ang mga umuwing Pinoy ay tatanggap ng tulong mula sa pamahalaan kabilang ang P100,000 each na financial aid mula sa Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund, na galing sa pondo ng DMW at OWWA.

Mayroon ding dagdag na P20,000 na financial assistance mula sa National Reintegration Center for OFWs (NRCO) at OWWA Reintegration Programs. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *