PDLs sa piitan sa Occidental Mindoro minomonitor

PDLs sa piitan sa Occidental Mindoro minomonitor

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections Director General (BuCor) Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro na mas maging vigilante sa pagmo-monitor sa mga aktibidad ng persons deprived of liberty (PDL) sa kanilang nasasakupang hurisdiksiyon kasunod ng mga reports na mayroong PDLs na narecruit para sumali sa kilos protesta at pumirma ng petisyon upang maibalik muli sila sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Catapang na daan-daang high profile inmates at drug lords mula sa NBP kasama ang 171 na Chinese nationals na convicted sa kasong illegal drug trade ang inilipat sa SPPF bilang bahagi sa programa ng BuCor na paluwagin ang Bilibid at maparalisa ang kanilang masasamang aktibidad.

β€œIn Sablayan, there is no telecommunications signal so these drug lords cannot communicate and continue their business outside of their cell, but because they are innovative they are bribing their guards to smuggle in satellite phones,” ibinunyag ni Catapang.

“Yung iba sa kanila dahil talagang hirap makalusot, ang ginagawa isusulat yung kanyang transaksyon sa isang papel kukutsabahin yung guards para kunan ng picture yung nakasulat sa papel para maisagawa yung transaksyon,” dagdag pa nito.

Inatasan ni Catapang si C/Supt. Ruben Veneracion ng SPPF na laging tignan at baguhin ang duty ng mga tauhan na nagbabantay sa PDLs upang maiwasan ang pamilyaridad lalo na may mga drug lords ang nagpapagulo sa Sablayan kung saan planong magsagawa ng rali bukod pa sa paglilikom ng lagda sa PDLs upang ipetisyon na ibalik sila sa Manila na malinaw na rason.

Nanindigan ang BuCor chief sa misyon niyang linisin ang hanay at magkaroon ng reporma o pagbabago sa ahensiya na aniya matagal itong pakikipaglaban at aminadong may mga personnel sa loobbat labas ng BuCor na kontra sa reporma na kanyang ipinapatupad para lamang sa simpleng rason na apektado sila sa pinansiyal ngunit umaasa ang opisyal na makapag-isip sila ng mabuti at tumulong sa kanyang magandang adhikain.

Ayon pa kay Catapang isa ito sa mga rason sa ilalim ng paggabay ni Justice Secretary Crispin Remulla kaya naisakatuparan ang memorandum of agreement sa National Intelligence Coordinating Council, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Philippine Drug Enforcement Agency para sa sabay-sabay na pagsasagawa ng anti- illegal drug campaign at mapanatili ang kooperasyon at kolaborasyon upang labanan ang ilegal na droga sa loob at labas ng state prison and penal farms sa buong bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *