Pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund sinuspinde ni Pang. Marcos

Pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund sinuspinde ni Pang. Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensyon sa pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa memorandum na naka-address sa Bureau of Treasury, Land Bank of the Pilippines at Development of the Philippines sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na base sa kautusan ng pangulo, pinasususpinde muna ang implentasyon ng IRR ng batas na lumilikha sa MIF.

Nakasaad sa memorandum na kailangan muna ng dagdag na pag-aaral sa IRR.

Magugunitang noong July 18 nang maisabatas ang RA No. 11954 kung saan iniuutos ang paggawa ng IRR para sa MIF Law. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *