US Pres. Joe Biden nadismaya sa pagpapasabog sa ospital sa Gaza; bibisita sa Israel
Nakatakdang bumisita sa Israel si US President Joe Biden.
Sa kaniyang account sa “X” (dating Twitter, inihayag ng presidente ng US ang pagkadismaya nito sa pagpapasabog sa Al Ahli Arab Hospital sa Gaza.
Sinabi ni Biden na matapos ang insidente, agad niyang kinausap si King Abdullah II ng Jordan at si Prime Minister Benjamin Netanyahu ng Israel.
Inatasan din ni Biden ang kaniyang national security team na ituloy ang pangangalap ng mga impormasyon kaugnay sa nangyari.
Pagkatapos ng kaniyang biyahe sa Israel, bibiyahe naman si Biden sa Jordan.
Ito ay para makipagpulong sa mga lider doon at matalakay ang mga gagawing hakbang upang matugunan ang humanitarian needs sa Israel. (DDC)