España to Sta. Mesa Section ng NLEX-SLEX Connector Project, 66 percent ng kumpleto

España to Sta. Mesa Section ng NLEX-SLEX Connector Project, 66 percent ng kumpleto

Nasa 66 percent na ang completion rate ng konstruksyon ng España to Sta. Mesa Section ng NLEX-SLEX Connector Project.

Nasagawa ng inspeksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary for Planning and Public-Private Partnership Services Maria Catalina E. Cabral sa 2.55-kilometer NLEX-SLEX Connector Road Section 2.

Ang nasabing proyekto ay ay babagtas sa bahagi ng España Boulevard patungo sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila.

Sinabi ni Usec. Cabral na titiyakin ng DPWH na maayos ang proseso sa mga usapin sa right-of-way at construction activities.

Ayon sa kagawaran, natapos na ang 1.84 kilometer ng 4-lane road at kabilang sa natapos na ang on and off ramp sa España Boulevard.

Minamadali na din ang civil works para sa entry at exit ramps sa Magsaysay Boulevard.

Sa sandaling matapos na, ang NLEX-SLEX Connector Road Section 2 ay magdudugtong sa España Boulevard interchange sa dulo ng Manila Skyway Stage 3 sa PUP Sta. Mesa, Manila.

Ang kabuuan ng NLEX-SLEX Connector Road ay may habang 7.70 kilometers mula sa dulo ng NLEX Segment 10 at Circumferential Road 3 (C-3) sa Caloocan hanggang sa dulo ng Manila Skyway Stage 3 sa PUP Sta. Mesa, Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *