13 barangays sa Las Piñas nagtala ng zero crime incident

13 barangays sa Las Piñas nagtala ng zero crime incident

Umabot sa 13 na mga barangay sa Las Piñas City ang nakapagtala ng zero crime incident o walang naitalang krimen mula October 8 hanggang 14.

Ito ay batay sa inilabas na ulat ni Las Piñas City Police Station Chief, Colonel Jaime Santos.

Patunay ito ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa patuloy na pagsasaprayoridad ng seguridad at kaligtasan ng bawat Las Piñero.

Matatandaan na muling itinanghal ang Las Piñas bilang “Safest City” sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa paggawad ng Southern Police District Office (SPDO).

Kinilala ng SPDO ang magagandang hakbang sa seguridad na ipinapatupad sa lungsod sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng lokal na pulisya.

Kabilang sa katimugang bahagi ng Metro Manila ay ang Las Piñas, Parañaque,Pasay, Makati, Taguig, Muntinlupa at bayan ng Pateros. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *