DOTr Sec. Bautista nagsampa ng kasong cyber libel laban kina Mar Valbuena at journalist na si Ira Panganiban
Sinampahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ng cyber libel si Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA) chairperson Mar Valbuena at ang journalist na si Ira Panganiban.
Ang reklamo ay inihain ni Bautista sa Department of Justice (DOJ) kasunod ng mga alegasyon sa kalihim na tumatanggap ito ng pera galing sa korapsyon.
Sa mga naging pahayag ni Valbuena, sinabi nito na si Jeff Tumbado na dating aide ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III ang nag-deliver mismo ng corruption money kay Bautista.
Pero ang nasabing pahayag ay binawi din agad ni Tumbado at humingi ito ng paumanhin sa kaniyang mga nasabi at naging hakbang.
“I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity,” nakasaad sa reklamo ni Bautista. (DDC)