Kumakalat na voice message kaugnay sa nakatakas umanong bilanggo sa Rodriguez, peke ayon sa Rodriguez PNP

Kumakalat na voice message kaugnay sa nakatakas umanong bilanggo sa Rodriguez, peke ayon sa Rodriguez PNP

Itinanggi ng Rodriguez Municipal Police Station na totoo ang kumakalat na voice message na nagsasabing mayroong tatlong preso ang nakatakas sa nasabing bayan.

Ang nasabing voice message na ibinabahagi sa messenger ay nagsasabing may magkakaibang kaso ang tatlong presong nakatakas at pagala-gala ngayon sa bayan ng Rodriguez.

Ayon kay P/Lt. Col.  Arnulfo Elencio ng Rodriguez Police, ang naturang TRENDING VOICE MESSAGE ay peke.

Pinaalalahanan din ng Rodriguez Police ang publiko na ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng takot at pangamba sa komunidad ay may karampatang parusa sa ilalim ng Revised Penal Code Article 154.

Sinabi ng Rodriguez Police na ang pagpapalaganap ng fake news ay maikokonsiderang “public disorder”.

Dahil dito paalala ni Elencio, iwasang maniwala at magbahagi ng mga impormasyon na hindi naman tukoy kung balido o beripikado ang source. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *