Dagdag singil sa toll sa SCTEX epektibo na bukas, Oct. 17
Epektibo na bukas, October 17 ang dagdag singil sa toll sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX.
Sinabi ni Toll Regulatory Board (TRB) Communications Head and Spokesperson Julius Corpuz na ang dagdag singil sa toll ay kasunod ng pag-apruba ng TRB sa inihaing petisyon ng NLEX Corporation noon pang taong 2022 at taong 2022.
Para sa mga bibiyahe mula sa Tarlac, City patungo sa Mabalacat narito ang dagdag na bayarin sa toll:
Class 1 – P25
Class 2 – P50
Class 3 – P75
Simula naman sa Mabalcat patungong Tipo, Hermosa Bataan narito naman ang dagdag na bayarin sa toll:
Class 1 – P40
Class 2 – P81
Class 3 – P121
At para mga motorista na bibiyahe ng end to end mula Tipo, Hermosa Bataan patungong Tarlac City, ang dagdag na bayarin sa toll ay:
Class 1 – P65
Class 2 – P131
Class 3 – P196
Ayon kay Corpuz, layon ng dagdag singil na matugunan ang maintenance sa SCTEX at mapanatili ang pagsasaayos dito.
Kabilang dito ang mga kinakailangang expansion works na pakikinabangan ng mga motorista. (DDC)