Pangulong Marcos nakausap sa telepono ang kaanak ng ikatlong Pinoy na nasawi sa bakbakan ng Hamas militants at Israeli forces

Pangulong Marcos nakausap sa telepono ang kaanak ng ikatlong Pinoy na nasawi sa bakbakan ng Hamas militants at Israeli forces

Nakausap sa telepono ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamilya ng ikatlong Pilipino na nasawi sa bakbakan sa pagitan ng Hamas militants at Israeli forces.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinawagan ng pangulo ang pamilya ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre at tiniyak na gagawa ng paraan ang pamahalaan para maiuwi ng bansa ang mga labi nito.

Ang 49 anyos na si Alacre ay nagtatrabaho bilang caregiver sa Haifa at Tel Aviv.

Sa tawag sa telepono, ipinaabot ni Pangulong Marcos sa kapatid ng biktima ang pakikiramay ng pamahalaan.

Tiniyak din ng pangulo na ibibigay ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang lahat ng karampatang tulong.

“May assistance para sa pamilya, pero lahat ng kailangang gawin para maiuwi na (ang iyong kapatid) ay gagawin na muna namin. Iyon lamang, hinihintay muna natin kung ano ‘yung magiging sitwasyon doon sa Israel dahil talagang napakagulo masyado ngayon at sarado lahat,” pagtitiyak ng pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *