DFA umaasang papayag ang Egypt upang magamit bilang safe exit ng mga Pinoy na ililikas sa Gaza
Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na papayag ang Egypt para sa safe exit ng mga Pinoy na naiipit sa Gaza.
Ayon kay DFA Sec. Enrique Manalo, hinahanapan na ng solusyon ng ahensya para mapayagan ang mga Filipino nationals na makatawid sa Egypt.
Kung maisasakatuparan ito, mula sa Egypt ay ipoproseso ang repatriation ng mga Pinoy pauwi ng Pilipinas.
“The DFA is hopeful for a solution to be reached soonest in order for the Rafah crossing to start receiving foreign nationals, so that our kababayans in Gaza will be allowed to cross into Egypt. From there, our teams will work on their repatriation to the Philippines.” ayon kay Manalo.
Una ng itinaas ng DFA ang Alert Level 4 sa Gaza na nangangahulugan ng pagpapatupad ng mandatory repatriation sa mga Pinoy doon.
Ayon sa pahayag ng DFA, mayroong 131 Filipinos na accounted for sa Gaza.
Sa nasabing bilang, 78 ang nananatili sa Rafah border crossing malapit sa Egypt.
Habang ang iba pa ay nauna ng nakaalis ng northern Gaza o sa Gaza City. (DDC)