DICT iniimbestigahan na ang hacking incident sa website ng Kamara
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa hacking incident sa website ng Kamara.
Ayon sa pahayag ng DICT, agad naipabatid sa kanila ang insidente.
Sa ngayon sinabi ng DICT na nagpapatuloy ang imbestigasyon nito sa nangyari.
Kamakailan ay kinumpirma din ng DICT ang data breach sa Philippine Statistics Authority (PSA). (DDC)