FAKE NEWS: Impormasyon kaugnay sa P5K to P8K cash assistance mula DSWD at DILG, hindi totoo
Walang katotohan na mayroong ipinamamahagi na P5,000 hanggang P8,000 sa bawat residente ng barangay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa DSWD, ang mga naturang kagawaran ay walang ganitong uri ng aktibidad o programa.
Ikinabahala ng DSWD ang patuloy na paglaganap ng mga maling impormasyon.
Paalala ng DSWD sa publiko, kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa sa social media.
Hindi din dapat basta-basta naniniwala at nagbabahagi ng mga impormasyon lalo na kung ang source ay hindi credible at reliable. (DDC)