Katawan ng batang nahulog sa imburnal sa Caloocan City natagpuan na
Natagpuan na ng mga otoridad ang katawan ng tatlong taong gulang na bata na nahulog sa imburnal sa Caloocan City.
Ayon sa Caloocan City Government, ang batang lalaki ay nahulog sa imburnal sa bahagi ng Brgy. 176 Sabado (Oct. 14) ng gabi.
Nagsagawa ng drilling ang mga tauhan ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineering Department (CED), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), at City Environmental and Management Department (CEMD) sa drainage na nakakunekta sa imburnal kung saan nahulog ang bata.
Araw ng Linggo ng makita ang bangkay ng paslit.
Nagpaabot ng pakikiramay si Caloocan City Mayor Along Malapitan sa pamilya ng bata.
Inatasan din nito ang Sity Social Welfare and Development na tumulong sa lahat ng kailangan ng pamilya lalo na sa counseling.
Sasagutin na din ng City Government ang burol at pagpapalibing sa bata. (DDC)