Alert Level 4 itinaas ng pamahalaan sa Gaza; mandatory repatriation, ipatutupad
Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Gaza City.
Mangangahulugan ito na magpapatupad na ang pamahalaan ng mandatory repatriation sa mga Pinoy sa Gaza.
Ayon sa pahayag ng DFA, mayroong 131 Filipinos na accounted for sa Gaza.
Sa nasabing bilang, 78 ang nananatili sa Rafah border crossing malapit sa Egypt.
Ang iba pa ay nauna ng nakaalis ng northern Gaza o sa Gaza City.
Sinabi ng DFA na patuloy ang ginagawang mga hakbang para sa repatriation ng nasabing mga Pinoy. (DDC)