Liham ng ITA na nagsasabing bumagsak si Brownlee sa doping test natanggap na ng POC
Natanggap na ng Philippine Olympic Committee (POC) at ni Justin Brownlee ang liham mula sa International Testing Agency (ITA) na nagsasabing bumagsak ang basketball player sa doping test sa ASIAN Games.
Ayon kay POC President Bambol Tolentino, mayroong hanggang Oct. 19 ang POC at si Brownlee para i-acknowledge ang liham ng ITA.
Nasa oasya aniya ni Brownlee kung ipapasuri pa nito ang Sample B at kung muling magpopositibo ay maaari itong umapela.
Ayon kay Tolentino, sa kaniyang pagkakaalam ay sumasailalim sa gamutan si Brownlee dahil sa injury bago ang paglalaro nito sa Asian Games para sa koponan ng Gilas.
Ani Tolentino, kung magpopositibo ang Sample B ay maaaring masuspinde si Brownlee sa loob ng dalawang taon.
Gayunman, puwede aniyang magpaliwanag si Brownlee at patunayan kung siya ay talagang mayroong medical condition na sasailalim naman sa diskusyon ng TIA. (DDC)