P25.3M na halaga ng shabu nakumpiska sa bagahe ng isang Malaysian sa NAIA
Nakumpiska ng mga otoridad ang mahigit P25 million na halaga ng ilegal na droga na nakita sa loob ng bagahe ng isang dayuhang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa PNP Drug Enforcement Group (DEG), nagsagawa ng Interdiction Operation sa Customs International Arrival Area sa NAIA Terminal 3 na nagresulta sa pagkakadakip sa dayuhang si Mohammad Ahtsham Bin Mohammad Afzal, 27-anyos.
Ang dayuhan ay dumating sa bansa sakay ng Ethiopian Airline Flight ET644 gaing Addis Ababa, Ethiopia.
Pero orohinal itong nanggaling sa Madagascar.
Nakita sa bagahe ng pasahero ang humigit-kumulang 3,722 gramo ng shabu na tinatayang nasa P25,309,600 ang halaga.
Kinumpiska din ng mga otoridad ang Malaysian passport ng suspek, kaniyang Malaysian national ID at cellphone.
One (1) Redmi cellular phone.
Dinala sa PDEA ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa documentation at pagproseso ng isasampang kaso. (DDC)