Magnitude 5.0 na lindol tumama sa Batangas; pagyanig naramdaman sa NCR at iba pang bahagi ng Luzon
Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 15 kilometers southwest ng Calaca City, 8:24 ng umaga ng Biyernes, Oct. 13.
May lalim na 6 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na Intensities:
Intensity V
– Batangas City, Calaca City, and Lemery, BATANGAS
Intensity IV
– Muntinlupa City
– Alitagtag, Balayan, Bauan, Calatagan, Lian, Mabini, Mataasnakahoy, San Luis,
Santa Teresita, Taal, Tingloy, and Tuy, BATANGAS
– Alfonso, CAVITE
Intensity III
– Agoncillo, Balete, Cuenca, Ibaan, Laurel, Lipa City, Lobo, Malvar, Nasugbu, Padre Garcia, San Jose, San Nicolas, San Pascual, City of Sto. Tomas, Talisay, City of Tanauan, and Taysan, BATANGAS
– Amadeo, Dasmariñas City,
Indang, Magallanes, Mendez-Nuñez, Silang, Tagaytay City, CAVITE
– San Pedro City, LAGUNA
– Dolores and Tiaong, QUEZON
Intensity II
– Quezon City
– Pasay City
– Pateros
– Meycauayan City and Obando, BULACAN
– Rosario, BATANGAS
– Bacoor City and General Trias City, CAVITE
– San Pablo City, LAGUNA
– Mauban, QUEZON
Intensity I
– Caloocan City
– Pasig City
– Naic, CAVITE
– Cardona and Morong, RIZAL
-Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO
– San Juan, BATANGAS
Ayon sa Phivolcs posibleng makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig. (DDC)