Pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa Israel nakatanggap ng tulong mula sa DSWD

Pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa Israel nakatanggap ng tulong mula sa DSWD

Nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel.

Ayon sa DSWD, tumanggap ng P10,000 ang pamilya ng mga nasawi sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Una ng tinukoy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasawi na isang 33 anyos na babae mula Pangasinan at 42 anyos na lalaki mula Pampanga.

Magkakaloob din ang DSWD ng burial assistance at psychosocial support sa pamilya ng mga biktima.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez maliban sa tulong-pinayal, aalamin pa ng regional offices ng ahensya kung ang serbisyo ang maaaring ipagkaloob sa kanila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *